Skip to main content

Tulong para sa maliliit na negosyo sa panahon ng pandemyang COVID-19

Ipinasa ng Kongreso ang Coronavirus Aid, Relief, and Economic Security Act (CARES, Batas sa Tulong at Seguridad na Pang-ekonomiya) upang mabawasan ang epekto ng pandemyang COVID-19. Kabilang sa batas ang Paycheck Protection Program (PPP), (Programa sa Pagprotekta ng Sahod) (sa Ingles) na idinisenyo upang bigyan ang maliliit na negosyo ng suporta upang patuloy na mapanatiling sinuswelduhan ang kanilang mga manggagawa.

Ang Small Business Administration (SBA, Pangasiwaan ng Maliit na Negosyo) ang nagpapatupad sa PPP na idinisenyo upang suportahan ang maliliit na negosyo (sa Ingles). Kung natugunan ng maliit na negosyo ang mga pamantayan sa laki, dapat silang maging karapat-dapat. Kabilang dito ang:

  • Maliliit na negosyo at mga karapat-dapat na nonprofit (hindi pangkalakal) na organisasyon
  • Mga organisasyon ng mga Beterano
  • Mga negosyo ng tribo na inilarawan sa Small Business Act (Batas sa Maliit na Negosyo)
  • Mga indibidwal self-employed (empleyado ang sarili) o mga independiyenteng kontratista

Ang Paycheck Protection Program at ang mga lender (nagpapautang)

Itatalaga ng Small Business Administration ang awtoridad sa mga lender na sertipikado ng SBA upang iproseso ang mga aplikasyon mula sa maliliit na negosyo sa ilalim ng Paycheck Protection Program. Bukod sa mga lender na sertipikado ng SBA, ang mga federally insured depository institution (institusyong pandepositoryong may seguro ng pederal na gobyerno) at mga credit union, pati na rin ang mga institusyong Farm Credit System ay malalapitan upang mag-apply upang maaprubahan bilang mga lender para sa programa.

Mga karagdagang mapagkukunan ng impormasyon at suporta para sa maliliit na negosyo at kanilang mga empleyado

Nagkakaloob ang CFPB sa mga mamimili ng mga bagong impormasyon at mapagkukunan ng suporta upang maprotektahan at mapangasiwaan ang kanilang mga kalagayang pampinansyal sa panahong ito ng kahirapan (sa Ingles). Dagdag dito, naghahandog ang CFPB ng mga tools sa edukasyong pampinansyal at impormasyon para sa mga mamimili (sa Ingles).

Hanapin ang higit pang impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa CFPB

Gumagawa kami upang patuloy na i-update ang impormasyon para sa mga mamimili sa panahon ng mabilis na nagbabagong sitwasyong ito.

Ilalathala naming ang lahat ng impormasyon at blog nauugnay sa COVID-19 sa aming resource page (pahina ng mapagkukunan ng impormasyon at suporta). Dapat na ituring na tumpak ang impormasyon sa petsa ng paglalathala ng blog.

Tingnan ang aming resource page para sa COVID-19 (sa Ingles)

Join the conversation. Follow CFPB on X (formerly Twitter) and Facebook .