Skip to main content

Paano tutulungan ang mga may-ari ng bahay na pangalagaan ang kanilang mga bahay

Habang nagpapatuloy na makaapekto ang pandaigdigang pandemya sa mga buhay at kabuhayan ng marami sa mga pamilya ng bansa, nagsusumikap ang Kawanihan ng Pangangalaga ng Pananalapi ng Consumer (Consumer Financial Protection Bureau, CFPB) at mga organisasyon sa buong bansa upang tulungan ang mga Amerikanong consumer na pangalagaan at pamahalaan ang kanilang mga pananalapi. Sa mga araw na ito mas mahalaga kailanman na gumawa ng mga dagdag na pagsisikap upang maabot ang mga taong naghihirap, upang tulungan silang maintindihan ang kanilang mga pagpipilian at pamahalaan ang kanilang mga pagpipilian.

Sa pakikipagtulungan sa iba pang mga ahensya na federal, nakikipag-ugnayan ang CFPB sa mga organisasyong kagaya ng sa inyo upang hikayatin ang mga taong naghihirap sa pananalapi bilang resulta ng pandemya upang pangasiwaan ang kanilang mga utang sa mortgage [mortgage] at humiling ng forbearance [pagpipigil]. Maaaring makatulong sa inyong organisasyon ang serye ng mga materyales, kabilang ang mga polyeto, video, at naka-update na web page upang magpanumbalik sa mga probisyon ng forbearance. Aanyayaan ka namin na ibahagi ang mga materyales sa mga taong iyong sinsilbihan.

Naghahatid ng tulong ang Batas ng Tulong, Kaluwagan, at Seguridad ng Kabuhayan sa Coronavirus (Coronavirus Aid, Relief, and Economic Security o CARES) sa mga may-ari ng bahay na nahuhuli sa pagbabayad, kapag nakikipagtulungan sila sa kanilang mga tagapagsilbi

Gusto ng CFPB na malaman ng mga may-ari ng bahay ang mga katotohanan tungkol sa mga pangagalaga pang-mortgage, at kumilos upang pangalagaan ang kanilang mga bahay at iwasan ang pagsamsam ng naka-mortgage.

Nagbibigay ang Batas na CARES ng mga pangangalaga sa maraming may-ari ng bahay na nakararanas ng paghihirap sa pananalapi dahil sa COVID-19. Magagamit ang mga pangangalaga sa lahat ng utang sa mortgage na sinusuportahan ng federal at itinataguyod ng federal, na kabilang ang mga utang sa Federal na Pangasiwaan ng Pabahay (Federal Housing Authority, FHA), Pangasiwaan ng mga Beterano (Veteran affairs, VA), Kagawaran ng Agrikultura ng Estados Unidos (U.S. Department of Agriculture, USDA), Fannie Mae, at Freddie Mac. Maaari ding magbigay ng mga katulad na pagpipilian sa forbearance ang mga mortgage na hindi saklaw ng Batas na CARES.

Maraming may-ari ng bahay ang nagsimulang makabawi, ngunit marami pa rin ang naghihirap

Habang mahigit sa anim na milyong may-ari ng bahay ang nakatanggap ngbearance upang matulungan silang harapin ang mga pagsubok sa pananalapi, marami ang hindi. Mahigit sa kalahating milyong may-ari ng bahay na nalaktawan ang pagbabayad ng mortgage mula nang magsimula ang pandemya ang hindi pa nakatanggap ngbearance. At ilang may-ari ng bahay ang umaalis sa forbearance at nahihirapan – mahigit sa 80,000 may-ari ng bahay na hindi pinalawig ang kanilang mga plano ng forbearance ang naging delinkuwente pagkatapos.

Hindi kusa ang forbearance. Dapat humiling ng forbearance ang mga may-ari ng bahay mula sa kanilang tagapagsilbi ng mortgage. Dapat din silang maging handang sumagot sa anumang tawag o mensahe mula sa kanilang tagapagsilbi ng mortgage, upang masimulan ang proseso ng forbearance.

Huli na sa mga pagbabayad ang ilang umuutang at hindi humingi ng forbearance

Humigit-kumulang sa 500,000 may-ari ng bahay na huli sa kanilang mga pagbabayad ng mortgage ang hindi humingi sa kanilang tagapagsilbi ng forbearance, bagama't marami sa kanila ang malamang na karapat-dapat. May takdang petsa sa December 31, 2020, ang ilang mortgage na sinusuportahan ng federal para sa paghiling ng paunang forbearance. Dapat humingi kaagad ng forbearance ang mga may-ari ng bahay na dumaranas ng mga paghihirap sa pananalapi, upang hindi mawala sa kanila ang karapatang iyon.

Kasalukuyang nasa forbearance ang iba pang umuutang at maaaring kailangan ng pagpapalawig

Para sa maraming may-ari ng bahay na nakatanggap ng forbearance, matatapos na ang panahon. May karapatan ang mga umuutang na dumaranas pa rin ng kahirapan at may utang na saklaw ng Batas na CARES na palawigin ang panahon ng forbearance na aabot hanggang 180 araw sa kabuuang 360 araw. Kung hindi sila makipag-ugnayan sa kanilang tagapagsilbi ng mortgage upang humiling ng pagpapalawig o gumawa ng plano upang ituloy ang mga muling pagbabayad, nanganganib silang maging delinkuwenteng muli at mawala ang kanilang mga bahay sa pagsamsam ng nakamortgage, sa sandaling mapaso ang mga pagpapatigil sa pagsamsam ng nakamortgage ng federal sa December 31, 2020.

Tulungan ang mga taong sinisilbihan mo na maiwasan ang pagsamsam ng nakamortgage

Bumuo ang CFPB ng mga materyales na makatutulong sa iyo kapag nakipag-usap ka sa mga tao sa inyong komunidad—sa Ingles at sa lalong madaling panahon sa maraming wika.

Para sa mas detalyadong mga tadhana ng pagpapalawig at ang Batas na CARES, tingnan ang aming mga mapagkukunan sa pabahay.

Join the conversation. Follow CFPB on X (formerly Twitter) and Facebook .